Friday, June 1, 2018

Mga bahagi ng Pamanahong Papel

Pamanahong Papelisang uri ng papel-pampananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante sa kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang larangang akademiko. Ito ay kadalasang kulminasyon ng mga pasulat na gawain kaugnay ng pag-aaral ng isang paksa. Tinatawag din itong term paper.

BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL:

MGA PAHINANG PRELIMINARI O FRONT MATTERS
a) Fly Leaf 1 ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat sa pahinang ito sa madaling salita blangkong papel ito.
b) Pamagating Pahina - ito ay nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong papel. Nakasaad din dito kung kanino iniharap o ipnasa ang papel, kung saang asignatura ito pangagailangan, kung sino ang gumawa at komplesyon. Nagmukhang inverted pyramid ang pagkakaayos nito.
c) Dahong Pagpapatibayang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong-papel.
d) Pasasalamat o Pagkilala - tinutukoy rito ang sinumang nakatulong ng mananaliksik sa pagsasagawa ng pananaliksik gayo’y nararapat na pasalamatan.
e) Talaan ng Nilalaman - nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng pamanahong papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
f) Talaan ng Talahanayan o graf - nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/o graf na nasa loob ng pamanahong-papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
g) Fly Leaf 2 – isang blangkong papel o pahina bago ang katawan ng pamanahong papel.

KABANATA I. ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
a.) Ang Panimula o Introduksyon
>ay isang maikling talataang kinapapalooba n ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng
pananaliksik.
b.) Layunin ng Pag-aaral
> inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral.
>Tinutukoy din dito ang mga ispesifik na suliranin na nasa anyong patanong.
c.) Kahalagahan ng Pag-aaral
> inilalahad ang signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Inilalahad
dito kung sino ang makikinabang sa nasabing pag-aaral.
d.) Saklaw at Limitasyon
>tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik
e.) Definisyon ng mga Terminolohiya
>ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa’y binigyan ng
kahulugan. Maaaring itong:
Operational na Kahulugan – kung paano ito ginamit sa pananaliksik
Conceptual na Kahulugan – istandard na kahulugan. Makikita sa diksyunaryo.

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
●tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng
pananaliksik
● tukuyin ang bago o nailimbag sa loob ng huling sampung taon.
● gumamit ng pag-aaral at literaturang lokal at dayuhan.

KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
a.)Disenyo ng Pananaliksik – nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral. Para sa inyong pamanahong-papel, iminumungkahi ang pinasimple na, deskriptiv-analitik na isang disenyo ng pangangalap ng mga datos at imformasyon hinggil sa mga salik o factors na kaugnay ng paksa ng pananaliksik.
b.)Respondente tinutukoy kung ilan sila at paano at bakit sila napili sa sarvey.
c.) Instrumento ng Pananaliksik inilalarawan ang paraang ginagamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at imformasyon. Iniisa-isa rin ang mga hakbang na kanyang ginawa at kung maari, kung paano at bakit niya ginawa ang bawat hakbang.
d.)Tritment ng mga Datos – inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerikal na datos ay mailalarawan. Dahil ito’y isang pamanahong-papel lamang, hindi kailangang gumamit ng mga kompleks na istatistikal tritment. Sapat na ang pagkuha ng porsyento o bahagdan matapoos mai-tally ang mga kasagutan sa kwestyoneyr ng mga respondente.

KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
  • Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng tekstwal at tabular o grafik na presentasyon. Sa teksto, inilalahad ng mananaliksik ang kanyang analisis o pagsusuri.

KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON at REKOMENDASYON
a) Lagom - Dito binubuod ang mga datos at informasyong nakalap ng mananaliksik na komprehensivong tinatalakay sa kabanata III.
b) Konklusyon - Ito ay mga inferenses, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon, pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at informasyong nakalap ng mananaliksik.
c) Rekomendasyon - Ito ay ang mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o naatuklasan sa pananaliksik.

MGA PANGHULING PAHINA
  • Ang Listahan ng Sanggunian ay isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong papel.
  • Ang Apendiks ay tinatawag ding Dahong-Dagdag. Maaaring ilagay o ipaloob dito ang mga liham, formularyo ng evalwasyon, transkripsyon ng intervyu, sampol ng sarvey-kwestyoneyr, bio-data ng mananaliksik, mga larawan, kliping, at kung anu-ano pa.

Source:
Bernales, Rolando, Atienza, Glecy, Talegon, Vivencio Jr., at Rovira, Stanley. 2006. Kritikal naPagbasa at
Lohikal na Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Valenzuela City: Mutya Publishing House Inc.

No comments:

Post a Comment